I hate LOVE special chapter 2
<VINZ POV>
hindi ko siya magawang tignan, hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko si Valen, pero dapat masaya ako diba? Pero hindi naman, imbes na matuwa ako na nakikitang may isang taong parang nangbuhay sa pagkatao niya, naasar pa ako, kasi kahit pa halos magkapareho na sila, hindi ko pa din makalimutan yung nag iisang babaeng kayang magpatibok ng puso ko ng sobra
"oh pare tulala ka diyan, mahirap siguro mga subject mo nu, nako akala ko pa naman matalino ka" Kol
"alam mo nagkagirlfriend ka na at lahat ganyan ka pa din no... umayos ka nga" sabi ko at napansin ko naman ang pagngiti ni Faye, siguro kung walang Valen sa puso ko magugustuhan ko din si Faye bukod sa mabait maalalahanin maganda at matalino, sobrang mahal na mahal pa niya si Kol,
"anong tinitingin tingin mo sa asawa ko" Kol
"asawa? sabagay kahit nga asawa naaagaw na eh"
"gago may balak ka?" Kol
"eh kung sabihin kong meron maniniwala ka?"
"hindi, mawala man ang iphone 5 ko alam kong di mo kaya" Kol
"yabang oh di kaw na ang mayaman, iphone 5 para sa katulong lang namin yun"
"lol. kaw nga wala katulong niyo pa kaya" Kol
"aanhin ko ang cellhone na maganda>"
inakbayan ako ni Kol "pang chicks"
"gusto mo sikmurahin kita?" tinabihan naman ni Kol si Faye, lol takot..
"asan na ba kasi sila?" sabi ni Kol habang hinahawak hawakan ang kamay ni Faye, paraparaan lang no, chansing
"sino?" tanong ko
"malamang barkada, nagyaya akong mag inuman eh" Kol
"sa harap ni Faye sinasabi mo yan, alam mo Faye kung ako sayo layuan mo na yang Kol na yan hahahaa" sabi ko sabay tawa
"baliw" niyakap naman ni Kol si Faye....
after 30 minutes na kulitan at pang aasar ko sa magboyfriend na kasama ko dumating na din sila, kung alak talaga ang usapan maski tong Maw at Alex game na game,
"late TAYA" sigaw ni Kol
"hoy ikaw nagyaya kaya ikaw ang taya" Mawie
"eh ang tagal niyo kaya, kaya kayo ang taya" Kol
"HI" bati ni Vennice na kadarating lang
"oh may mas late pa pala sa amin eh, siya ang tayo, hahahaha" tawa ni Mawie
"HAH?" Vennice
"wala, sige order na ako" Kol
"madayang pangit, kung kami late kami taya tapos nung si Vennice, kaw na, yay, Faye ibreak mo na yan" natatawang sabi ni Mawie
"kanina si Vinz tapos ngayon ikaw, nako siguro may pagtingin ka pa sa akin no, kaya ka tutol kay Faye" Kol
"asa ka, may Gab na ako, " Mawie
"tss" napatayo ako at pumunta sa counter, ibang klase talaga yung dalawang yun, baka mamaya mainlove ulit sila sa isa't isa, kawawa naman yung mga karelasyon nila, pero malabo, hindi ko na nakikita ang pag ibig sa pagitan nila...
"kill joy ka talaga no" nagulat nalang ako ng nasa tabi ko na si Vennice
"HAH?"
"wala, kasi bigla kang umalis habang nagkakasayahan sila" Vennice
"nagkakasayahan ba yun? eh nag aaway na yung mag ex"
"hindi naman sila nag aaway eh, naglolokohan lang " Vennice
"ganun na din yun........ isang tequila" sabi ko sa bartender
"akala ko ba di ka umiinom ng alak?" Vennice
"eh hindi naman"
"eh ano yung inorder mo, hindi lang alak, tequila pa," Vennice
"sakin ba yun?"
"eh para kanino?" Vennice
"bat ba ang dami mong tanong" nakakairita to, yun ang wala sa ugali ni Valen...
VALEN NA NAMAN???
eh sa mahal ko eh
"here sir" sabi ng bartender
"sige Miss Vennice, maiwan na kita diyan..." sabi ko sabay alis
mahirap na magtanong na naman siya...
<VENNICE's POV>
"sige Miss Vennice, maiwan na kita diyan..." sabi niya sabay alis
"ah-----"
hindi na ako nakapagtanong...
O_O
nagulat nalang ako ng bigla niyang lapitan ang isang babae na nag iisa sa di kalayuan, iniabot niya ang hawak niya tequila at nakita ko namang ngumiti ang babae,
ANG LANDI
at ito namang Vinz nakangiti habang kausap ang babae, akala ko ba mahal niya si Valen, anong ginagawa niya...
hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong napalapit sa kanila,,,
"so sa susunod ulit???" sabi ng babaeng malandi at ngumiti naman si Vinz
hinila ko si Vinz papalabas at alam kong nagulat siya sa ginawa ko
-----------------------
"Hoy ano bang problema mo?" tanong ni Vinz ng nasa labas na kami
"ikaw ano bang ginagawa mo?"
"pwede bang huwag mong sagutin ang tanong ng isang tanong" kunot noo niyang sabi
"eh bakit ka ba kasi nakikipaglandian sa babae?"
"ako?" tumawa siya at tumingin sa akin "nakikipaglandian??? kanino?" Vinz
"eh yun. sa babaeng binigyan mo ng alak, may pangiti ngiti ka pa,"
"eh ano naman ngayon......" Vinz
"akala ko ba mahal mo si Valen, magagalit siya.........." hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng biglang hawakan ni Vinz ang kanang kamay ko.... mahigpit, mahigpit na mahigpit "a----aray" nasabi ko nalang... masakit na kasi
"una, hindi ako nakikipaglandian, yung kanina kaklase ko yun, kagrupo ko sa project namin, kaya ko siya binigyan ng tequila kasi adik sa alak yun, hinding hindi ko lalandiin yun kasi kasamahan ko dati sa gang ang boyfriend niya, mahal ko ang buhay ko ayoko pang mamatay, pangalawa, bakit ka ba nagagalit, at bakit ganyan ba ang reaksyon mo sa nakita mo, alam ko magagalit si Val pag nakita ako ng ganun, pero bat ikaw ang nagagalit? hindi naman ikaw si Valen hah......" napatigil siya sa sinasabi niya at tsaka naglakad papalayo....
hindi ko alam kung bakit pero para bang nasaktan ako sa sinabi niya
"at nga pala....." napatingin ako sa kanya na nakatalikod pero hindi na naglalakad "huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko kay Valen, mahal ko siya, at kahit pa sinong babae ang dumating sa buhay ko hindi magbabago yung pagmamahal ko sa kanya"
at tuluyan na siyang naglakad papuntang kotse niya at umalis
napahawak ako sa mukha ko at, naramdaman ko na may basa sa mga pisngi ko...
UMIYAK AKO????
-------------------------------
Author's Note
Guy, inuulit ko po wala po ang mga special chapter sa wattpad, may mga nagtatanong kasi, isss.......
well, ito na nga, sorry po natagalan, nagloko po kasi ang website ko, pasensya po talaga...
Special Chapter 3, SOON...
"__"
COMMENT kayo,..
hihihihi
------------> Cathy ^____^V
HTML Comment Box is loading comments...