Empress_CathSi Cathryn Kay Mendoza o mas kilala bilang Empress_Cath ay labing-walong gulang na at kasalukuyang nasa kolehiyo na. Nahiligan niya ang pagsusulat noong high school palang siya at sinimulan niyang mag bahagi nito sa pamamagitan ng pag-post sa internet noong labing-limang gulang na siya. I've been waiting for you ang unang kwentong isinulat niya ngunit wala na siyang kopya ng kwentong ito. Nagsimula ulit siya ng bagong istoryang pinamagatang I LOVE MY BESTFRIEND noong 2011 at natapos ito Nobyembre ng sumunod na taon. Sa ngayo'y patuloy parin ang paglikha ng mga istorya si Cath at sinusubukan pang palawakin ang kanyang kakayahan.
Bukod sa pag-susulat, si Cath ay isa ring KPOP fan at sobrang nawiwili sa grupong 2ne1, Bigbang, EXO, Shinee, BtoB, After School at Apink. Madalas kpop music ang pinapakinggan niya at nagsilbi itong pangpawala ng stress o pagod niya. Mahilig din siyang mag drawing at minsa'y gumagawa siya ng mga fanart para sa mga idol niyang writer. Sumasali rin siya sa mga fanart contests sa facebook. Si Cath ay isa ring mapagkakatiwalaang kaibigan. Hindi man siya perpekto ngunit sinusubukan niyang maging mabuting tao sa mata ng lahat. Hindi siya isang ugaling santa na walang kapintasan ngunit hindi naman siya masama para layuan. Ang ugali niya o ang pakikitungo niya sa isang tao ay ibinabase niya sa kung paano niya nakilala ang isang tao o kaya naman base sa ikinikilos o pakikitungo nito. Masayahin, madaldal, pala-kwento. Naniniwala siya sa LOVE pero ni minsan sa buhay niya ay hindi siya naniwala sa HAPPY ENDINGS. |
Social Sites |